Nakapamulsang nakatayo si JB habang hinihintay na makarating ang sinasakyang elevator sa penthouse kung saan ginaganap ang party na kanyang pupuntahan. Sa pagbukas ng pintuan ng elevator ay naagaw nya kaagad ang pansin ng mga taong nasa lugar na iyon. He confidently walks where his friends said.
"Jebong!" Pagtawag ng pansin sa kanya ng kaibigan na si Jackson habang sinasabayan pa ng pagkaway na parang hindi nya pa ito nakikita. Sinalubong sya ng bro hug nito pati na rin ang matalik nyang kaibigan na si Jinyoung. Nginitian naman ng binata ang ibang kasama nila sa mesa na hindi masyadong pamilyar sa kanya.
"Kamusta ang interview kay Tito Boy?" Inabutan sya ni Jinyoung ng isang can ng beer. Mabuti ay nakaramdam si Jinyoung na ayaw nya rin magpakalasing ngayon, magmamaneho pa sya pauwi.
"Ayos lang." Simple nyang sagot bago inumin ang beer na hawak.
"Tinanong ka ng million dollar question?" Natatawang tanong ni Jackson. Napailing sya sa mga naiisip ng kaibigan.
"Buti napapayag mo si Manager Ryan?" Tanong ni Jinyoung. Maski sya ay nagulat sa una dahil hindi naman sya basta basta pinapayagan, siguro ay dahil din sa request nito na isabay yung babaeng makulit kaya walang choice ang manager na payagan sya pumunta dito sa party ng kaibigan sa Alabang.
Tinignan ni JB ang oras, quarter to 9 palang ng gabi. Hindi nya alam pero parang nawalan sya ng gana pumarty kung kanina ay excited sya ngayon nama'y gusto nalang nya umuwi at matulog. Saktong hawak nya ang cellphone ng umilaw ito at may natanggap syang message mula sa babaeng nakakaubos ng energy.
"Boss thank you sa 5 seconds hehe. Magpapa-picture pa sana sya sayo kaso nagmamadali ka namang umalis baka kasi 'di na maulit idol na idol ka pa naman ni bubwit." Napakunot naman ang noo nya. Sya pa ang nasisi dahil sa nagmamadali sya. Kung iisispin nga ay delikado ang ginawa nya, paano nalang kung may makakita sa kanya kasaba si Seulgi at yung batang yon? Iba pa naman na ang takbo ng utak ng mga tao ngayon, maraming kung ano ano ang maiisip ng mga ito. At dapat pa nga ay magpasalamat na lang ito na pumayag ito sa hiling, ayaw na ayaw ni JB ng bata na parang allergic sya sa mga ito.
Napaisip naman ang binata. Yung baby na kausap ni Seulgi...
Kaagad nya minessage ang babae. "So the one waiting for you kaya ka nagmamadali sa pag-uwi is because of her, your niece? Sya rin yung kausap mo kanina sa phone? Everyone thought it was your boyfriend." Maski naman sya ay yun ang inakala noong pasimpleng sinagot ni Seulgi ang tawag na iyon kanina.
"Sir as a boss ang curious mo sa buhay ko ano po?" Tumaas naman ang kilay nya sa sagot na iyon ni Seulgi. Siya? Si JB Lim curious sa buhay ng isang babae? Is that even a joke?
"CAN'T I ASK MY EMPLOYEE'S BACKGROUND? MASAMA BA YUN? MANAGER RYAN WAS THE ONE WHO EVALUATED YOU WALA AKONG IDEA SA BACKGROUND MO KAYA NAGTATANONG AKO OKAY? DON'T MISUNDERSTAND!" Dire-diretsong type ni JB. Napainom naman sya ng beer habang inaantay ang sagot ng ka-text.
"Teka chill! Mukha kang defensive boss. Tsaka wala sa itsura mo ang maingay, chismoso at makulit ano? Dami mong hanash ngayon. Lasing ka na ba? Pasundo kita kina manager?" Madaldal na ba ang pagtatanong? May masama ba sa ginagawa nyang pagtatanong sa empleyado nya. Ayaw ni JB na iba ang pagkakaintindi ni Seulgi sa pagtatanong nya... he's just asking, yun lang.
"I'm not drinking right now. Tsaka bakit ba sakin napunta ang usapan ikaw tong tinatanong ko." He said as a matter of fact, hindi naman talaga sya umiinom ngayon naisip kasi ng binata na magmamaneho pa sya ng dalang motor pauwe kaya't makukuntento muna sya sa softdrinks ngayon. Kaya naman din talaga sya pumunta sa party ay para makita ang mga kaibigang matagal din nyang hindi nakita. Napabalik ang tingin ni JB sa cellphone nang umilaw itong muli.

YOU ARE READING
Serendipity
RomanceSeulgi's a single mom to a 3 year old Jea. She aspired to be an idol back in the day. Then comes an international pop star and producer, Jaebeom. He's tired of the limelight. How can they change each other's lives the way they want it to be? A GOT7...