Cassie- the psycho maldita. As in psycho maldita na kaawaan mo. Hinayaan ni Cassie na abutin ni Riguel ang mga pangarap nito kahit na ang kapalit ay ang paglayo nito sa piling niya. Nagparaya siya sa kapalaran makapagtapos lang ito. Naghintay siyang balikan sa tamang panahon. Kaso ang pesteng gwapong machong hot na sinta niya, nabalitaan niya na lang na ikakasal na sa iba! Tinamaan ng magaling! Napasugod siya sa Probinsya para bawiin ang kanya! Makikipag patayan siya! Kung kinakailangang gamitin niya ang dibdib niya na sin liit ng bubot ng bayabas gagawin niya mapasakanya lang muli ang pagmamahal nito!