PROLOGUE

10 0 0
                                    


"What happened back then was just too vague,

Never expecting to come our way.

To think that was the last to see you at day,

The truth is still hard to take."

***

"TIGNAN mo 'yun!" Sabay turo sa kalangitan sa gitna ng gabi. "Ang ganda diba?"

"Oo nga." Tugon ko sa kasama ko.

"Gusto ko makapunta dun!" Nakangiting tugon ni Violet, isang matalik kong kaibigan.

"Imposible naman yun." Sagot ko sa kan'ya.

Napatingin siya sa akin. "Ano ka ba naman, Yuri? Alam mo namang walang imposible sa mundo." Tugon niya sa'kin habang nakakunot ang kilay nito.

"Eh totoo naman?"

"Panira ka ng pangarap eh, hmph!" Bumalik ang tingin niya sa langit habang natatawa na lamang ako sa pagkainis niya sa'kin. 'Di nagtagal ay nagsalita ulit si Violet. "Alam mo, gusto ko maging butuin."

"At bakit sa lahat ng gustuhin mo maging sa buhay maging butuin pa?" Pabiro kong sabi sa kaniya, hinihintay na mainis ulit.

"Bakit hindi? Ang ganda kaya ng mga ito, nagbibigay liwanag sa dilim, at higit sa lahat, nakatingin sila sa'tin tuwing gabi. Nagmamasid, nanonood, gumagabay." Nakangiting sabi niya habang nakatingin pa rin sa langit.

Natigil ako sa mga sinabi niya. Ang bata pa namin pero nasasabi niya ang mga yan. Kaya ang suwerte ko sa kaibigan ko! Siya ang pinakamatapang at matalino sa'min sa baryo, halos lahat ata ng mga naninirahan dito hanga sa kanya. At higit sa lahat, napakabait niya, tinutulungan niya ang lahat ng nangangailangan ng tulong sa baryo. Ang galing niya talaga...

"Hoy Yuri!" Tawag sa'kin ni Violet sabay pinitik niya ang noo ko.

"Aray naman!" Napahawak naman ako sa noo ko.

"Ano naman iniisip mo ha?"

"Wala! 'Eto naman, namimitik bigla." Reklamo ko habang namimintig pa rin sa sakit ang noo ko.

"Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang sumasagot. Kainis 'to!" Lumayo ang tingin niya sa'kin at pinagkrus niya ang dalawang braso nito.

"Sorry na! Alam mo, umuwi na tayo. Baka hinahanap na tayo."

"Ayoko pa! Ang ganda dito eh" Reklamo niya.

"Pwede naman tayo bumalik bukas eh. Sige na." Pamimilit ko.

"Hmph! Sige na nga." Tumayo kami sa kinauupuan namin at naglakad na pabalik sa baryo. Tawa pa kami ng tawa habang naglalakad. "Ang bagal mo! Unahan na nga kita!" Sabay tumakbo si Violet at iniwan akong naglalakad.

"Hoy hintayin mo 'ko!" Sunod ko sa pagtakbo niya.

Isa 'yun sa pinakamasayang alaala ko sa baryo. Hindi ko inaasahan 'yun na rin ang huling alaala ko na kasama ang matalik kong kaibigan.



"SUNOG! May sunog! May sunog!" Boses na narinig ko na gumising sa akin nung araw na iyon.

Tumayo agad ako sa kinahihigaan ko at bungad sa'kin ang mga sigaw ng mga kababaryo namin sa labas ng bahay.

"Yuri, anak, lumabas ka na jan! Maabutan ka ng sunog!" Rinig kong tinig ni nanay.

Agad akong lumabas ng bahay. Pagkalabas ko ay nakita ko ang mga tao nagtatakbuhan, nagwawala, at nag-iiyakan habang nasusunog ang mga bahay. Nakita ko na rin na unti-unti na ring kinakain ng sunog ang bahay namin.

Ang bahay kung saan nagsimula ang mga pangarap nina nanay at tatay, 'eto rin ang bahay kung saan ako namulat at lumaki. Isang nakakalungkot na pangyayari ang mawala ang tinitirahan namin.

Habang kasama ko sina tatay at nanay, na umiiyak dahil sa pagkawala ng bahay namin, ay nakita ko ang mga magulang ni Violet na umiiyak at sumisigaw ng tulong sa harap ng bahay nila.

Bakit 'di nila kasama si Violet?

Sa pag-aalala ko ay tumakbo ako sa nasusunog na bahay nina Violet at sinubukan kong pumasok sa nasusunog na bahay.

"Violet! Violet na'san ka?!" Sigaw ko, nagbabaka sakali na buhay pa ito.

Wala akong naririnig na tugon. Kinakabahan ako na baka nakain na siya ng apoy.

"Y-yuri?" Nakarinig ako ng mahinang tugon.

"Violet! Violet na'san ka?! Lumabas ka na bili!" Sigaw ko ulit.

"U-umalis ka n-na." Tugon na naririnig kong nanghihina na ito.

Sinubukan kong pumasok sa bahay ngunit bago man ako makapasok ay may bumagsak na kahoy sa harap ko, hinaharangan ang tanging paraan na makapasok sa bahay.

"Violet na'san ka ba?!" Tawag ko ulit sa kaniya.

"Umalis ka na! Kaya ko na 'to!" Sigaw niya sa'kin.

Gusto ko siya iligtas ngunit natatakot ako pumasok dahil baka mas lumala ang nangyayari. Hinintay ko nalang siya sa pintuan, nakatingin kung makikita ko siya na papunta dito.

"Y-yu-yuri?" Isang boses na kanina ko pa hinihintay na marinig.

"Violet!" Kita ko na nanghihina siyang lumalapit sa kinakatayuan ko ngayon. Sinubukan kong abutin siya at sabihing abutin niya ang kamay ko, nang biglang may humila sa'kin mula sa labas.

Habang nilalayo ako sa nasusunog na bahay ay tila bumagal ang mundo ko. Unti-unting bumagsak ang bahay at iyun na rin ang huling pagkikita namin ni Violet, ang matalik kong kaibigan.



"NARIRITO kami ngayon sa Baryo Liwanag na kasalukuyang kinakain ng sunog. Ginagawa ng mga bumbero ang lahat upang maapula ito. Sinasabi naman na nagmula ang sunog sa—"

Rinig ko ang mga ulat ng mga reporter tungkol sa nangyari. Kita ko ang mga bumbero na hawak-hawak ang pang-apula ng apoy. Kita ko rin na tumutulong ang iba naming kabaryo. Ngunit marami pa rin ang umiiyak dahil sa nangyari.

"Ayos ka lang ba, bata?" Tanong sa'kin ng isang lalaki.

Hindi ako sumagot. Ayokong sagutin. Siya kasi ang humila sa'kin palayo sa nasusunog na bahay nina Violet. Kung hindi niya ako hinila ay baka nakaligtas pa siya.

"Delikado 'yung ginawa mo kanina! Baka napaano ka na kung hindi ka namin nakita agad." Sabi naman ng isang mama na kasama ng lalaki kanina.

Nakaupo lang ako sa isang gilid, tila wala akong naririnig na ibang ingay. Ang nasa isip ko pa rin ay si Violet na dapat ay nakaligtas siya kung hindi ako pinigilan.

Ang araw na 'yun ay nagsilbing bangungot sa aming lahat. Isang masamang imahe na lagi nang nasa aming isipan. Hindi namin inaasahan na sa isang iglap ay mawawala ang aming minamahal na tinitirahan. Ang araw na ding 'yun ang gusto ko makalimutan na nangyari ito sa buhay ko. Iyun na rin ang huling araw ko sa baryo na iyun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Starfall: A Fallen StarWhere stories live. Discover now