Enchanted Academy: Prologue

38.5K 897 37
                                    


~•~
Isang sanggol ang isinilang
na nakatakda sa
propesiya upang wakasan
ang magaganap na
digmaan sa
pagitan ng kabutihan
at ng kasamaan
~•~

"Alice nakikinig ka ba?" isang kamay ang naramdaman ko na pumatong sa balikat ko. Dahilan para mapatingin ako sa tao na nasa tabi ko.

"H-huh? ano ulit sabi mo?" nagtataka kong tanong sa kanya na kaharap ko na ngayon.

"Hayst. You're not listening after all!  Ang sabi ko may balak ka bang mag lunch dahil kanina pa tapos ang subject ni prof. Ano nanaman ba yang iniisip mo at parang nasa sariling mundo mo ka nanaman. Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa akin ng nag iisang matalik ko na kaibigan.

Si Jade.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng room. Palabas na ang ibang mga classmate namin na siguradong papunta sa canteen. Napansin ko na kami na lang ni Jade ang naiwan na nakaupo sa pwesto namin. Ngumiti na lang ako. Inayos ko na ang mga gamit na nakalagay sa desk at ipinasok sa loob ng aking bag.

Hindi ko alam, this past few days parang palagi na lang wala ako sa sarili ko. Kadalasan tuwing school hours, hindi ko na napapakiramdaman ang mga nasa paligid ko kaya minsan napapagalitan ako ng mga prof namin kapag nahuhuli nila ako na tulala at hindi nakikinig.

Itinaas kong muli ang paningin ko. Sinalubong ko ang mga titig niya na puno ng pag aalalang nakatingin sa akin.

"Sorry Jade kulang lang siguro ako sa tulog." palusot ko sa kanya. Nakita ko ang pag taas ng isa niyang kilay at tiningnan ako ng maigi. Hindi ko maitatanggi na kitang kita sa kanyang mukha na hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Kahit sino naman siguro ay hindi maniniwala sa akin kung palagi na lang ganito ang nangyayari.

I can't blame her for not believing me.

Kilala niya ako. But I'm not even lying to myself that this past nights I had been through, I'm experiencing things. I don't think it's paranormal but it can be. It started with a small faint whispers until it becomes louder and louder, na para bang katabi ko lang o nasa likuran ko lang ang pinanggagalingan ng boses na iyon. There are loud voices in my head that keeps repeating undistinguishable words over and over again that I can't shrug it off out of my mind.

Maybe it's just a dream? No. It isn't. I'm sure of it.

Narinig ko ang pag buntong hininga ni Jade dahilan para mapatingin akong muli sa kinauupuan niya sa tabi ko.

"Alam mo Alice hindi ka magaling mag palusot. For two years that we've been together and to be your friend? I know you." napabuntong hininga na lang din ako. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana. I know there are reasons why this things happening to me, pero ano iyon? Bakit sa akin pa to nangyayari? Bakit ako?

"You know what. Jade hindi ko din alam. Kahit ako sa sarili ko I don't know why this things happens to me. Madalas nagiging wala ako sa sarili ko–"

"Ehem! Correction! Palagi kamo. Palagi ka na lang kasing ganyan." singit na sabi ni Jade. Napatango na lang ako sa kanya. I can't argue with that. Totoo naman kasi.

"Okay. As what you've said, palagi akong wala sa sarili. To the point that I can't even sleep every night. This thing is driving me crazy." Napahampas na lang ako sa noo ko. Honestly, it's kinda confusing that the voices I keep hearing is so familiar. But I don't know when did I heard it in the first place.

Enchanted Academy: Where Magic Do ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon