Chapter 3: First Meeting

98 5 1
                                        


Kinakabahang naglalakad si Seulgi palapit sa building na natatanaw nya hindi kalayuan kung nasaan sya ngayon, JY Entertainment. Hindi sya kinakabahan sa pag-iwan sa anak sa pangangalaga ni Joy ngunit dahil ngayon na lang sya ulit nakabalik sa building na ito, tatlong taon? Hindi iniisip ni Seulgi ang interview na gaganapin pero hindi nya magawang hindi mag-alala sa mga taong maaring makasalubong sa kanyang pagpasok sa loob.

Pero andito ka na Seulgi, wala nang atrasan 'to.

Sa pagpasok sa entrance ay parang unti-unting bumabalik sa alaala nya ang mga panahong ginugol sa building na ito noong sya ay trainee pa. Ilang minuto na at mahaba-haba na rin ang nalalakad nya at swerte namang walang nakakakilala sa kanya. Nakarating na nga rin sya sa meeting room sa 7th floor na tinext sa kanya. Natawa sya sa sarili, nag-aalala sya sa bagay na hindi naman pala mangyayari. At sino ba naman kasi sya para may makilala, nakahinga ang babae ng maluwag dahil dito.

Kumatok si Seulgi sa pinto at bumungad sa kanya ang lalaking nasa 30's na at nakangiting binati sya. "Seulgi, right?"

"Yes po. Seulgi Kang. Sir Ryan?"

"Hi! Yes it's me Ryan yung kausap mo kahapon. Pasok ka at maupo habang inaantay natin ang alaga ko." Sumunod naman sya dito at naupo. Mukhang mabait naman ang lalaki, at sana ay ganito din ang aalagaan nya.

"By the way, I'm Ryan Kim. Sorry sa alaga ko ha, medyo may katigasan ang ulo at ayaw pa sumama sa meeting kanina kaya ngayon ay nagkanda-late-late. Pero padating naman na yun makupad lang kumilos." Napansin ni Seulgi ang pagka-stress ni Sir Ryan sa 'alaga' daw nito. Ngayon palang ay gusto na maghanda ni Seulgi, nagdadasal rin sya at hinihiling na sana hindi ito maldita, b*tchesa o kung ano man dahil panigurado masasabunutan nya ito kung isa man ito sa mga nabanggit.

Halos dalawampung minuto din sila naghintay bago bumukas ang pinto ng meeting room at iluwa nito ang isang lalaking may katangkaran, malapad na mga balikat at nakakatakot na tingin. Paanong nakakatakot? Siya agad ang binalingan ng malalamig na tingin na iyon bago tumingin kay Sir Ryan. Beyond surprised ang reaksyon ngayon ni Seulgi nang makita ang lalaki.

"Hindi pa kayo nagsisimula ng discussion?" Tanong ng binata bago maupo sa swivel chair kaharap ni Seulgi. Habang ang babae naman ay nakasunod ang tingin sa lalaki.

"Iniintay ka pa namin bago magsimula." Sagot ni Sir Ryan habang inaayos ang mga papeles. Bahagyang ininterview naman na rin sya nito kanina habang iniintay ang kakarating lamang na lalaki.

"Dala ko ba yang envelope para intayin mo pa ako bago magsimula?" Sabat ng lalaki na walang paggalang. Harsh at walang modo. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Seulgi. Wala namang reaksyon si Sir Ryan na tila sanay na sa mga ganung salita mula sa binata.

"Oh, Seulgi I forgot to introduce the artist you'd be handling. JB Lim, he's the new CEO of JY Entertainment." Ofcourse she knows, idol na idol ito ng anak nya. Kaya habang busy si JB at Sir Ryan ay dahan-dahang nilabas nito ang cellphone at pasimpleng kinuhanan si JB. Hindi nya ginagawa ito para sa sariling kagustuhan, gusto lang nyang mapasaya ang anak, isesend ito sa anak mamaya. Nang makaramdam ang binata ay agad nyang iniwas ang camera dito at nagpanggap na parang nakikinig sa pagpapaliwanag ni Sir Ryan.

Ganoon lang ang nangyari hanggang sa magpirmahan na sila ng kontrata. Kanina pa rin napapansin ni Seulgi na walang pakialam si JB sa nangyayari at may sariling mundo kasama ang cellphone. Inayos na ni Seulgi ag gamit para maghandang umalis, kailangan nya maabutan ang anak na gising dahil nakakahiya sa kaibigang si Joy.

"Manager Ryan, mauuna na po ako." Paalam ni Seulgi, nagpaalam naman sa kanya ito at pinayagan na syang umalis. Pinaalala pa nito ang schedule nila para bukas. Magpapaalam na rin sana sya sa among si JB nang makitang nakatingin na pala ito sa kanya. Bakit?

Nilahad nito ang kanyang palad. "Give me your phone." Utos nito.

"Ha?" Nagtatakang tanong ng babae pabalik.

"I will delete the photos you took earlier." He said it na parang he's so sure that she did it.

"Jaebeom!" Suway ng manager nito sa kanya.

"What? That's against my privacy! Magha-hire na nga lang kayo yung patay na patay pa sakin? Sigurado ba kayong magagawa nya ng maayos ang trabaho kung ang gusto lang naman nya e bumuntot ng bumuntot sakin?" Dahil sa sinabi ng lalaki ay sarkastikong napatawa si Seulgi, nilabas ang cellphone at binigay sa lalaki. Confident sya dahil matapos i-send sa anak, sa pamamagitan ng kaibigan na si Joy ang mga picture na kinuhanan ay agad din naman nya itong binura.

Pumagitna si Manager Ryan sa kanila at binalik kay Seulgi ang cellphone na hindi man lang nachi-check ni JB ang laman. "Sige na Seulgi mauna ka na. Sorry." Pagpapaumanhin ni Manager Ryan sa kanya, habang ang lalaki naman na alaga nito ay nasa likod lang at ayun pa rin ang malamig na mga tingin nito. Tatalikod na sana sya pero may gusto syang sabihin sa lalaking masyadong maraming hangin sa katawan. Pinaglihi yata sa inflatable.

"Sir Jaebeom Lim fyi lang, sino po ba kayo para mag-occupy ng space sa memory ng cellphone ko? 'Wag kayo masyadong mag-assume." Huling salitang binitawan nito bago tuluyan nang umuwi at lisanin ang JY Entertainment.

Narinig ni JB ang pagtawa ng Manager na iiling iling na bumalik sa pag-aayos ng mga papeles sa mesa. 

"What's her name again?" Napakunot naman ang noo ng binata dahil naiinis sya sa pinagsasasabi ng babae. Sigurado sya na pasimple kinukunan sya nito ng picture.

"Seulgi Kang, ang katapat mo." Mas nabubwisit si JB dahil gumagatong pa ng tawa ang manager.

"Hindi ka pala worth ng memory card. Tsk tsk. Mauuna na ako. Diretso uwi ng bahay JB! May shoot pa bukas." Tinapik ng Manager Ryan nya ang kanyang balikat bago tuluyang umalis at iwan sya sa meeting room. Napasalampak naman sya ng upo.

The guts of that girl.

But on a serious note, kanina pa rin iniisip ni JB kung saan nya nakita si Seulgi. Seulgi Kang, she seems so familiar.

SerendipityWhere stories live. Discover now