Chapter 1: Christmas

142 6 0
                                        

𝙲𝚑𝚛𝚒𝚜𝚝𝚖𝚊𝚜 𝙴𝚟𝚎 𝟸𝟶𝟷𝟿 

𝙹𝙱'𝚜 𝙲𝚘𝚗𝚍𝚘 

𝟷𝟷:𝟶𝟶 𝙿𝙼

Nakatingin sa repleksyon ng salamin si JB habang nagsisipilyo. Napapailing nalang sya.

Gwapo pa rin.

Parang may bumulong naman at sumagot sa kanya. His inner self na may katauhan ni Jackson, ang kaibigan nyang manunulsol.

Wala namang jowa.

Hindi nya alam na nakakabaliw pala talagang mag-isa, kung anu-ano ang naiisip niyang gawin na pati pagkausap sa sarili ay ginagawa niya na.

Tinignan ni JB ang oras sa wall clock na nakasabit sa pader ng kanyang banyo. Isang oras na lamang pala bago mag pasko, at inaantok na siya.

Agad syang dumiretso sa kama at humiga kahit na bahagyang basa pa ang buhok mula sa pagligo. Inabot nya ang cellphone. Wala namang bago bukod sa Christmas greetings na natatanggap. Wala syang gana sumagot o bumati man lang kahit sa mga kaibigan, wala na syang lakas para gawin pa iyon. Hindi na rin niya iintayin pa ang pagsalubong sa pasko, hindi rin naman sya naghanda ng noche buena.

Pinatay niya na ang table lamp at pumwesto na sa pagpikit. Merry Christmas sa kanyang sarili, ilang pasko na ba siyang ganito? Mag-isa at tinutulog nalang tuwing may mga espesyal na okasyon. Sanay na sanay na siya.

——————————————————————

𝙲𝚑𝚛𝚒𝚜𝚝𝚖𝚊𝚜 𝙴𝚟𝚎 𝟸𝟶𝟷𝟿 

𝚂𝚎𝚞𝚕𝚐𝚒 𝙺𝚊𝚗𝚐'𝚜 𝙱𝚞𝚗𝚐𝚊𝚕𝚘𝚠 

𝟷𝟷:𝟹𝟶 𝙿𝙼

Last Christmas, I gave you my heart
But the very next day you gave it away
This year, to save me from tears
I'll give it to someone special

Kanina pa paulit-ulit ang kantang 'yan dahil nawiwili sa pagsayaw si Jea. Sinisilip nya ang anak habang umiindak ito sa tugtugin at napapangiti na lang siya. Yung steps nya ay yung steps ng 'Kapag Tumibok ang Puso' ni Donna Cruz, hindi niya alam kung saan ito natutunan ng bata, marahil ay sa kaibigan niyang si Yeri. Iba talaga kapag nababarkada kay Yeri Kim. Siya naman ay inaayos ang handa nilang mag-ina mamayang alas dose sa pagsalubong ng pasko. Silang dalawa lang ulit ngayon ang magse-celebrate, hindi kasi nagawang sumama sa kanila ng kapatid na si Brian dahil kasama ito ng mga magulang nila ngayon.

Natigil naman ang kanta, nilipat ito ng anak sa pangalawang Christmas song.

I saw Mommy kissing Santa Claus
Underneath the mistletoe last night
She didn't see me creep
Down the stairs to have a peep
She thought that I was tucked up
In my bedroom, fast asleep

Lumapit ang anak sa kanya at hinila ang laylayan niya.

"Mommy, bakit nung mommy nung bata ni kiss si Santa Claus? Is Santa Claus naughty? magagalit yung daddy kung niki kiss niya yung mommy." pagtatanong ng bata tungkol sa narinig na kanta. Matalinong bata si Jea kaya madalas ito magtanong ng kung ano-anong bagay sa kanya out of curiousity din siguro. Gusto niya matawa, bakit kasi ito nasa recommended songs sa spotify, mahaba-habang palinawagan na naman ito.

Bumaba si Seulgi upang maging kalebel ng anak.

"Kasi baby yung daddy nung bata si Santa." pagpapaliwanag ni Seulgi.

"May anak na si Santa Claus? I wish anak nya rin ako para marami akong gifts because I'm a good kid." halata sa mukha ng bata na nagulat siya sa nalamang balita.

          

"No baby. Nag costume yung daddy to look like Santa. So basically, yung daddy yung kini-kiss nung mommy nung bata. The daddy dressed up like Santa to bring gifts to their children." may pagpapasensyang eksplenasyon ni Seulgi sa anak. Sanay na siyang may weirdo na conversation kasama si Jea, madalas kasi ay kakaiba din ang mga naiisipan nitong tanong at handa naman siyang ipaintindi ang mga ito dito. She guess that she's used now in being a single mom.

Nakita naman ni Seulgi kung paano lumiwanag ang mukha ng bata at parang na-excite ito sa naisip.

"Will my daddy surprise me too? Yehey I'm excited. Magddress up ba sya later as Santa mommy?" nagpapalakpak pa ang anak sa sobrang excitement. Hindi naman niya ito masagot, masaya siyang makita kung gaano kasaya ang bata at ayaw niyang sirain iyon. Mabuti na lamang para makaalis sa sitwasyon at tanong na iyon ay kumulo ang pasta na pinapalambot niya. Hindi naman siya kinulit ng anak at bumalik na ito sa pagsasayaw sa mga kanta na tumutugtog sa tablet.

Habang lumalaki si Jea ay mas dumadalas ang paghahanap nito sa tatay niya. Napabuntong hininga na lamang si Seulgi.



𝙲𝚑𝚛𝚒𝚜𝚝𝚖𝚊𝚜 𝙳𝚊𝚢 

𝟷𝟸:𝟶𝟶 𝙰𝙼

"Blow the candle baby." utos ni Seulgi sa anak. Araw kasi ngayon ng mga bata kaya tuwing pasko ay nagbe-bake talaga siya ng cake para sa anak gusto niya na bawat okasyon ay maging espesyal para kay Jea. Alam niyang kulang ang pamilya nila kaya sa ganitong paraan ay kahit papaano ay mapunan niya ito. Hindi siya perpektong nanay na kaya ibigay ang lahat para sa anak, pero gusto niya maging 'the best' nanay para dito.

"Thank you mommy!" sabi ng anak na nagbigay ng ngiti sa labi ni Seulgi. Pinagtuunan agad ni Jea ang icing at pinabayaan nalang ito ni Seulgi, hindi naman ito katamisan kaya hindi siya nag-aalala na maging hyper ito mamaya.  Pinalaki ni Seulgi si Jea na hindi masyadong umaasa sa tulong niya para gawin ang mga simpleng bagay, kaya ngayon habang kumakain sila ay hindi na niya ito sinusubuan pa. Marunong na itong gumalaw at gumawa ng mga simpleng bagay na walang guidance ng ina. Kumakain lang sila pareho at ine-enjoy ang simpleng handaan.

Napukaw ang atensyon ng dalawa sa pagtunog at pag-ilaw ng tablet. Agad tumakbo si Jea sa kung saan ito nakapatong at nangingiting bumalik sa mesa bitbit ang gadget.

"Mommy look!" pinakita ni Jea ang screen, ang tumunog pala kanina ay notification mula sa twitter account ng kinawiwilihang artista ngayon ni Jea, si JB. Napa-facepalm na lang si Seulgi habang pine-play ng anak ang 'Mistletoe' cover ng artistang si JB.  Hindi niya talaga alam kung paano na introduce si Jea sa artistang yun na kinawiwilihan nito ngayon. Alam ni Seulgi na bata palang ay musically inclined na ang anak pero hindi naman niya inexpect na sa murang edad ay makakahiligan nito ang kanta ng matatanda. Sa sobrang invested ng bata kay JB ay pati shows na kinabibilangan nito sya sinusubaybayan din niya. Hindi naman niya makontrol ang anak dahil sa ganung paraan sumasaya siya.

Pinapaulit ulit ni Jea ang kanta at nagpatuloy sa panonood ng music videos ni JB ang pinagkaabalahan nito, hanggang oras na para gumayak na sila sa pagtulog. Nakahanda na ang mag-ina pero si Jea ay biglang nag-tantrums. Naalala kasi nito ang isang bagay,

"We're going to sleep pero wala pang gift si Santa sakin? Or if I sleep hindi ko makikita si daddy dressed as Santa." napatingin naman si Seulgi sa orasan, ala-una na ng madaling araw at parang hindi pa nawawalan ng energy ang anak.

"Then hindi ibibigay ni Santa yung gift na gusto mo 'pag hindi ka natulog." pananakot pa niya dito.

"No one will help Santa carry the gift that I want. Even if Santa's big hindi niya kaya si Daddy. I will not sleep kasi tutulungan ko sya mag carry ng gift sakin." napatakip nalang si Seulgi ng unan sa mukha, hindi niya alam kung paano iha-handle ang kakulitan ng anak. Nangyari na rin naman dati na magtanong ito tungkol sa daddy niya pero hindi kasing kulit katulad ngayon. 


Hindi na niya pinilit ang anak para matulog, lumipas lang ang halos isa't kalahating oras ay nakatulog na ito ng kusa. Nakasigurado siyang aantukin ito at matutulog nalang ng mag-isa. Siya naman ngayon ang hindi madalaw ng antok. 

Maraming tumatakbo sa isip niya, kung bakit biglang naging ganito si Jea kakulit kakatanong tungkol sa tatay niya? May nagawa ba siya? May pagkukulang ba siya dito para hanapin nito ang ama para mapunan iyon? Kulang ba yung nabibigay niya both love and material? Sigurado siyang hindi siya nagkulang sa pag-aalaga at pagmamahal sa nag-iisa niyang anak, o baka naman sumusobra? Simula kasi ng ipanganak niya si Jea ay hands-on na siya sa pagpapalaki dito, palagi siyang kasama at nasa anak lang ang buong atensyon. Marahil ay nagsasawa na ito na sila palagi ang magkasama. Kelangan na ba niyang magtrabaho? Pinag-iisipan na nga rin niya iyon ilang araw na. May nire-recommend si Joy na MUA at stylist job marahil ng isang artista at baka tanggapin niya na ito, sayang din ang kikitain niya dito. Paraan na rin siguro para kahit papaano ay may makasama rin na ibang tao ang anak. Pwede kasi siya iwan sa mga kaibigan at kahit sa kapatid.

Napapikit siya ng mata. Sana tama ang magiging desisyon niya. Gusto niyang maalis ang atensyon ng anak sa tatay nito at pagtuunan na lang ng pansin yung mga taong nandiyan at nasa paligid nila. Hindi sa pinagdadamot niyang malaman ng anak kung sino ang tatay niya, pero nakaya na nila ng tatlong taon bakit ngayon pa kung kelan okay na sila? Ayaw na rin ni Seulgi makagulo pa sa tahimik na buhay nilang pareho lalo pa't... hindi alam ng tatay ni Jea na may anak siya sa kaniya.

SerendipityWhere stories live. Discover now