Divine Dramedy

82 0 0
                                    

Laging bigo. Laging sawi sa pag-ibig. Minamalas, o kay sakit. May balat nga ba ako sa pwet? sabi ng Mojofly. Holds true hanggang ngayon. Hopelessly romantic ba talaga o hopeless lang?

Magdamag na yata ako nagmumukmok sa kwarto. Walang tubig. Walang pagkain. Eh di magsayaw na lang tayo choz. Pero seryoso wala naman akong gana kumain. Siguro liliit na tyan ko nyan. Wala rin akong tulog. Nakahiga lang at patuloy na sumasakit ang ulo. Kumakabog kabog ang dibdib na lalong dumadagdag sa sakit ng ulo. O may kumakatok ba sa pinto? Di ko na alam. Naghahalu halo na ang katotohanan at panaginip sa utak ko.

Bakit ako iniwan? Di ko maunawaan. Naging mabait naman ako ah. Mapagbigay sa kanya. Pati yung oras ko na pinagkakadamut damot sa iba maliban sa sarili ko ay ibinigay ko na sa kanya. Ngunit wala pa rin, di pa rin sapat yun. 327 missed calls ni walang sagot. Missed nga eh, paano magiging missed call yun kung nasagot di ba? Buti pa ang call namimiss, ako nganga.

Ang sakit talaga sa dibdib. Shett sobrang sakit. Parang di ako makahinga. Akkhhh. Hindi nga. Waahhh. Tulong. Asan ka na? Akkkhhhh.

Kadiliman.

Asan ako? Where na you, here na me. Pero where is here.

"Huy."

Mamaya na. Hinahanap ko pa ang sarili ko.

"Huy sabeh!"

Galit ka ba teh? Teka lang sabi. Ayyy wait, ikaw alam mo ba asan ako?

"Yiz mem. Nasa Netherworld ka na tih. Welcome!"

Potah ka. Nasa kwarto lang ako kanina nag-eemote. Wag mo nga ako inaano. Iba na lang.

"Oo nga maniwala ka. Imulat mo kasi ang mata mo!"

At biglang lumiwanag. Nasa kwarto pa nga rin ako. Echosera talaga yung voice over. I'm still here. Mejo umangat nga lang yung bed. Or bumaba ang kisame. Anyare?

"Lumulutang ka tih. At naririnig ko ang iniisip mo. Potah ka rin."

Omggg this cannot be! Wag mo sabihin?

"Yiz mem."

Pero marami pa akong pangarap. Gusto ko pa magpuntang London, Paris, Tokyo, at Binangonan.

"Boring don. Pero pwede naman tayo magtour if you want."

Go parang bet ko yan pero wait. Anyare sakin?

"Tegibells madam. Nakakamatay pala ang sobrang pag-eemote. I should know. Been there, done that."

Nakita ko na lang na nakahilata pa rin ang aking katawan habang hawak ang dibdib. Eto siguro yung nagsisikip ang dibdib ko. Akala ko tutubuan lang ako ng muscle ganern pero no. Tapos ang chakka ng mukha ko sa pagkangiwi. Parang nakasipa ang porma ng mga binti ko na di ko maintindihan ang ayos. At naninigas na. Pero seryoso, tegs na ba talaga ako?

"Yiz mem. Ulit ulit?"

Di kita kinakausap. Nag iinternal monologue ako.

"Pero sabi ko nga dinig lahat ng thoughts dito sa Netherworld."

Bakit di ko marinig yung sayo?

"Di ka pa properly trained."

Kilala ko tong hitad na to. Mejo mabilog at smiling face na bex. Direk?

"Yiz mem."

Pero ang tagal mo nang patay?

"Mga ilang buwan lang matagal na agad? Saka pwede naman mag move on. Matagal ko na tinanggap sa sarili ko ito. Now I am at peace. Kaya ikaw kailangan din magmove on."

Pero ayoko. Alam mo ba yung three-month rule?

"Hindi sakin yung linyang yan pero bet ko ang movie na yan ni madam. Walang three-month rule dito. Wala nang konsepto ng time and space. Pwede tayo mag move forward at back or magstay lang dito sa moment na to. Would you like to have any last words?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minsan nasa Loob, Minsan nasa LabasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon