xvi. last

789 37 24
                                    

Ewan ko na, hindi ko na talaga alam! Gusto ko na lang iuntog ang sarili ko sa pader hanggang sa mawalan ako ng malay. Gusto ko na lang sabunutan ang saril ko hanggang sa matanggal ang lahat ng hibla ng buhok ko. Gusto ko na lang sampalin ang sarili ko hanggang magising ako sa katangahang pilit kong ibinabaon ang sarili ko!

Ayaw ko na? Pagod na ako? Sinong niloko ko?

Mahigit dalawang buwan na ang nakalipas mula noong nangyari ang pinakamalaking reality check sa buhay ko—ang HS dance. Expected ko namang hindi ako mabilis makakalimot dahil wala naman akong switch kung saan pwede kong i-on at off ang feeings ko para sa 'yo. Although mahirap, may improvement naman kahit papaano. Kagaya na lamang ng pagtanggap kong hindi mo na ako ite-text kahit kailan at pagtanggap sa katotohanang si Gianna talaga ang gusto mo at hindi ako.

Pero nandito rin ang pagtanggap na gusto pa rin kita kahit anong gawin mo.

"Akala ko ba pagod ka na?" tanong ni Sofia na ngumangata ng turon.

Bumuntong hininga ako at tumango.

"Pagod nga ako sa pag-asikaso ng clearance natin," sabi ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-irap niya sa kawalan. Ano na namang problema ng isang 'to? Magkaaway ba sila ni Lej kaya sa akin siya umaarte ng ganito?

"As if iyon ang tinutukoy ko diba!" Tinuro niya ang field kung saan tanaw namin mula sa plant box ang paglalaro niyo ng kickball. "Nakakaloka ka 'te!"

Binatukan ko siya at inirapan. "Gaga ka ba? Kahit saang plant box tayo umupo, iyan ang matatanaw natin!"

Break time namin ngayon. Pagkatapos naming bumili ng pagkain mula sa canteen, umupo kami ni Sofia sa isang plant box kung saan tanaw ang corridor ng school at ang field kung saan kayo naglalaro. Palagay ko ay nagpa-practice kayo para sa intrams next week.

Pero totoo namang hindi ako umupo dito para titigan ka 'no! As if namang may choice ako. Let's just say na nandito na ako so papanoorin ko na lang din?

Kagaya ng dati, lagi ka pa ring nakangiti. Never akong nakaroon ng impresyon na masungit ka dahil lagi kang nakangiti o nakatawa. Tumatawa ka ngayon habang tumatakbo sa susunod na base dahil sa sobrang lakas ng sipa mo, umabot sa kabilang bakod ang bola at nahirapan si Kirk na kunin iyon dahil sa masungit na guard.

Home run!

Nanalo ang team niyo. Tumatawa ka pa rin kasama si Colton sa isang gilid dahil hindi na nakabalik si Kirk na sinesermonan pa rin ng guard sa kabilang gusali. Nagawi sa direksyon namin ang tingin ni Colton at kumaway. Bago ka pa lumingon, tumalikod na ako at naglakad pabalik sa classroom.

"Hoy! Saan ka na naman pupunta?" tanong ni Sofia.

"Magpapapirma ng clearance, sayang time e! Bye!"

Pagkabalik ko sa classroom, naabutan kong nagkakagulo ang mga kaklase ko dahil sa pagtatalo nila tungkol sa prom. Pinagbobotohan kasi kung dapat pa ba kaming mag-graduation ball o prom na lang. Paniguradong aawayin kami ng juniors kung mas gugustuhin naming mag-graduation ball kaysa prom.

"Mas maganda ang grad ball! Solo natin!"

Umiling nalang ako. Seryoso ba sila?

"Kaye," tawag ni Bea. "Ano sa tingin mo?"

Isinara ko ang binabasa kong libro at bumaling sa kanya. "Prom."

Bumalot sa classroom ang mahihinang reklamo ng ilan kong kaklase.

"Bakit prom?! Ayaw mo bang masolo yung party?" tanong ng isa kong kaklase.

I gave her a smug look. "Syempre, gusto? Pero napaka-selfish naman ng idea na ipagkakait natin sa mga grade 9 ang prom samantalang di naman ginawa iyon ng previous batch sa atin. Bigyan niyo rin sila ng memories," sabi ko. "Wala rin namang magbabago. Di naman kayo guguluhin ng mga 'yon. Nanggulo ba tayo sa seniors last year? Hindi naman diba?"

Kaye & KeiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon