It Was The Road by @fictionalagb

443 54 1
                                    

First of all, I want to give credits to our queen, jonaxx, for using the names of her characters in her stories for my own story. Enjoy reading!
———————————————————————————————
It Was The Road

"Wait lang, Suki!"

Eto naman kasing si Suki, ang bilis bilis ng lakad! Hindi man lamang ako hinihintay sa pagtawid.

Tumawid na kaagad ako. Ni hindi ko na namalayan na green light na pala.

Sa hindi inaasahang oras, ako'y bigla bigla na lamang napasigaw. Sa tingin ko'y umabot ito hanggang Maynila. Tinakpan ko ang mata ko sa pag-aakalang ako'y mababangga at mamamatay na.

Napakalakas ng busina ng sasakyan. Binuksan ko ang mata ko at pagkatingin ko na lamang ay nasa harapan ko na siya.

"You stupid guy! Kita mong may dadaan ang bilis bilis ng takbo ng sasakyan mo! You should probably learn how to drive!" Sabi ko habang tinuturo ko siya.

"Stupid, huh?" Sabi niya naman habang siya naman ang nakaturo sa sarili niya. "See that?" Tinuro niya ang traffic light. "Green." Sarkastiko siyang tumawa. "You should probably learn how to look at the traffic lights."

Kainis! Gwapo na sana, pero ang ugali? Oh God, no thanks!

Inirapan ko nalang siya. Napansin ko ring nagtraffic na dahil sa amin. Inabot na rin ng red light ang ibang sasakyan na naharangan namin.

"Baka gusto mo pang magpaospital, Miss?"

"You shut your mouth up. I'm in a rush." I rolled my eyes once again.

"Okay." Itinaas niya pa ang kanyang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko siya sa pulis.

I almost laughed.

Agad na akong dumiretso sa paglalakad papunta kay Suki. Kanina pa pala itong nakatunganga lamang sa amin. Hindi man lamang ako sinuportahan.

"Did you see that?" Pagalit kong tinanong sa kanya.

"Uh huh!" Pinakitaan niya ako ng isang mapaglarong ngiti.

"What?" Masungit kong tinanong.

"Nothing."

Alam ko ang iniisip niya, I know her too much. Halos mapairap na naman ako. Siya naman ay tumawa na lamang.

Sa bahay pala kami ni Leon at Freya pupunta. Wala man lamang kasing pasabi si Suki. Sana'y nagpahatid na lang kami sa driver namin!

Pagkapasok namin ay naroon din sina Russel, Julio at ang pinsan ni Leon na bestfriend ni Freya na si Juliet.

"Reunion?" Ngumiti ako sa kanila.

Tumawa sila.

"Alam mo kasi, para sa iyo talaga 'to eh." Sagot sa akin ni Russel.

"Huh? Sa akin? Bakit?"

Napaisip ako ng kung ano-anong pwedeng maging okasyon na maaaring para sa akin ngunit wala talaga.

Napatawa sila sa lalim ng aking pag-iisip. Natulala na pala ako kakaisip.

"Ikaw na lang kasi ang single!"

Mas lalo pa silang nagtawanan sa sinabi ni Suki.

Wait, what?

"May boylet ka na? What about Russel?"

"Duh, kaya nga ikaw nalang diba!" Umirap si Suki sa akin.

"Finally serious, eh?" Tumawa ako. "Wala man lang kayong binabanggit. Lalo ka na, Suki. Lagi tayong magkasama!" Reklamo ko pa.

"Eh kasi nga po, nagplano po kami ng ganitong party. Right, guys?"

MFJ ONE SHOT [CLOSED!]Where stories live. Discover now