One Day, Isang Araw

1.2K 67 6
                                    

One day, isang araw.

Magkikita nalang tayo sa lugar kung saan tayo madalas na nagkakasama noon.

One day, isang araw.

You'll be walking with your new girl. Nakakapit sya sayo at nakangiti habang nagku-kwento ng nakakatuwang bagay na nangyari sa kanya bago kayo nagkita.

You'll smile at her and she'll continue her story. At sa pagpapatuloy nya ng kanyang kwento, muling idadako mo ang iyong mga mata sa unahan.

Maiisip mo na, masaya ka. Masaya kayo. Walang problema pero, bakit ganoon?

Bakit.. may kulang?

One day, isang araw.

Habang patuloy kayo sa inyong paglalakad, may makikita kang babaeng makakapukaw ng iyong atensyon.

That one girl with so much familiarity.

Yung buhok nya. Yung mga mata at yung mga ngiti. Sa sobrang pamilyar ay magugulat ka nalang and you won't realize that you are actually staring at her.

Hindi mo aakalain na pagtapos ng ilang taon ay nakita mo na ulit ang pamilyar na babaeng iyon.

One day, isang araw.

Yung dating mahabang buhok ng pamilyar na babaeng iyon ay naputulan na.

Yung mga mata na dating palaging lumuluha para sayo ay ngayon may sigla na.

Yung mga ngiti na dati nyang ibinibigay para lang sayo, ngayon mas totoo na.

At yung pamilyar na babaeng iyon na dating pilit na humababol sa iyo ay, maingat ng hinahawakan ng iba.

One day, isang araw

Sa pagtingin mo sa pamilyar na babae at sa kasama nitong lalaki, mapapansin mo na, pareho silang nakangiti.

Pareho silang tumatawa.

Pareho silang masaya.

Mapapansin mo na, hindi pilit ang mga iyon. Dahil ang mga ngiti ng babaeng pamilyar, ang bawat tawa nya at ang bawat kislap ng kanyang mga mata ay totoo.

Totoo dahil, ganoon din sya sa iyon nung mga panahong ginagawa mo pa lahat para maging masaya sya.

Pero ang pamilyar na babae na yun, ay masaya na at patuloy pang pinapasaya ng lalaking kasama nya at hawak sya.


One day, isang araw.

You'll realize what you have been missing. Kung ano nga ba talaga ang kulang na iyon at bakit gusto mo itong puunan ng hindi mo na maramdaman.

You're indeed happy with your girlfriend. Masaya rin kayo sa kung anong mayroon kayo.

Pero sa puso mo alam mong may mali, dahil alam mong hindi ka na masaya sa relasyon nyo.

One day, isang araw.

As realization dawned upon you, that familiar girl is what you're actually been looking for.

Unti-unting babalik sa iyong isipan ang nakaraan. At unti unti rin na maiisip mo lahat ng inyong pinagsamahan.

Kung paano kayo nagkakilala, kung saan nga ba nagsimula, kung paano kayo naging masaya, at kung bakit napunta ang lahat sa wala.

One day, isang araw.

Maiisip mo na, ikaw ang nagkamali.

Ikaw ang nagkulang. Ikaw ang nagkaproblema. Ikaw ang nanakit. Ikaw ang hindi lumaban. Ikaw ang nang-iwan.

One day, isang araw.

Maiisip mo na, Inilaban ka nya hanggang sa makakaya nya, sinaktan mo sya ng paulit ulit ngunit pilit na inaayos nya.

Maiisip mo na, minahal ka nya ng sobra at higit pa. Minahal ka nya sa paraang alam nya.

At minahal ka nya kahit na hindi mo na talaga deserve pa.

One day, isang araw.

Pag naalala mo na at naisip mo na ang lahat ng mga iyon, unti unti mong mararamdaman ng buo kung ano ang kulang sa iyo.

At sa pagbigat ng pakiramdam mo ay magtatama ang paningin nyong dalawa.

Mapapansin ka nya.

Makikilala ka nya.

Ngingitian ka nya.

Pagtapos nun ay, babalik na ang tingin at mga ngiti nya doon sa bagong mahal nya.

At lalampasan ka nya na parang isang alaala.

One day, isang araw.

Sa punto na iyon, You' know that you already lost and won't be able to bring back what's missing.

Sa punto na iyon, you know that you already lost that missing piece.

Sa punto na iyon, you already lost her.

Dahil sa punto na iyon, she was already long gone. And there's nothing you can do about it.

At ang punto na iyon ang ang inyo ng huling hantungan.


One day, isang araw.

I'll be smiling and you won't be the reason anymore.



As I read what I wrote a two years ago, I couldn't stop smiling. Gusto kong matawa pero mas pinipili kong umiling. It was too childish of me to write this down.

However, I was hurting and I needed to let it all out. Wala akong ibang nahanap na paraan kundi ang magsulat kaysa sa sumigaw.

Pero I didn't know that writing this down would have a twist. Because everything that was written in this journal, really happened few hours ago.

Hindi ko akalain na makikita ko syang muli. Akala ko ay hindi pa ko handa o magiging handa after all the things that have happened.

I didn't realize that I became too happy and finally, someone came and treated me the way I should be treated.

Someone came and treated me the way that I deserve to be treated.

At sa sobrang saya ko, hindi ko namalayan na matagal na syang hindi sumasagi sa isip ko.

When I saw him, akala ko ay makakaramdam ako ng lungkot o pangungulila. Akala ko makakaramdam din ako ng galit o poot sa kailaliman ng aking dibdib.

Pero nung makita ko sya ay wala na kong naramdaman.

I just smiled.

I smiled at him.

I smiled for myself.

Dahil pagtapos ng lahat lahat, narito na ko sa puntong hindi ko na naiisip lahat ng masasakit. Hindi na ko umiiyak at hindi na ko nasasaktan.

Narito na ko sa puntong, ako'y tunay ng masaya.

That one day, isang araw.. finally came and here I am.

Masaya na para sa sarili ko.

Masaya na sa kung anong mayroon ako.

At masaya na din sa piling ng taong mahal ko ngunit mas mahal ako.

One Day, Isang Araw (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon