Kabanata 2- Run!
ARIN
(Zambales Academy)
Sa wakas ay nakarating din kami ni Frio.
Sabado ngayon kaya walang pasok, kaya nasamahan din ako ni Frio. Hindi rin karamihan ang mga student sa loob ng Academy.
"Let's go to registrar office first, then later ipapasyal kita sa campus." Frio said. Tinanguan ko lang s'ya bilang sagot.
Habang naglalakad kami papunta ng registrar office hindi ko maiwasan na mamangha sa Academy na 'to. Di hamak na mas malawak at mas magaganda ang facilities compare sa dati kong pinapasukan.
Tinignan ko si Frio at hindi talaga s'ya yung taong madaldal. It's better to be silent than to have an awkward conversation. Ang dalawang kamay nya ay nasa bulsa lang. Ang tingin niya ay diretso lang kung saan kami papunta.
Frio? He's handsome, cool, and also the type of person na masarap kasama kahit na hindi s'ya gaanong nagsasalita. And it's because of his prescence.
Malaki ang naitulong ni Frio sa pag aasikaso sa pag pasok ko sa Academy na 'to.
Second semester na ng Grade 12 pero mabuti nalang at pinayagan ako ng Admins na makatransfer. Kaya sa darating na lunes ay makakapasok na 'ko.
STEM (Science Technical Engineering and Mathematics) ang strand ni Frio ang sa akin naman ay HUMSS (Humanities and Social Sciences). Pero kahit na hindi kami parehas ng strand ni Frio, may mga subject ako na magkaklase kami.
"Saan mo gustong unahin nating puntahan?" Frio asked.
Malawak ang Zambales Academy kaya't paniguradong napakaraming pwedeng puntahan sa school na ito.
"Sa magiging classroom ko muna. Tapos kahit saan na, yung mapapadali tayo. " I gave him a smile.
" Okay, let's go?" he also smile. Na bihira lang mangyari. He always had this plain face pero ma appeal. And when he smiles, siguradong totoo.
------------------------------------------------------------------
Before lunch ay nakauwi na kami ni Frio. Ayoko naman na s'yang abalahin pa kaya hindi kami masyadong nagtagal sa paglilibot sa Academy.
" Arin, wala ka pang mga gamit. Ang mabuti pa ay pumunta ka ng bayan para bumili." Mom said
" Mag isa ko po?" I asked Mom. Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla. I'm afraid in crowded places. Especially bayan iyon, hindi maiiwasan na maraming tao.
" Face it Arin. Alam kong kakayanin mo." ani Mom habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Si Dad?" baka sakaling si Dad hindi busy at masasamahan n'ya ako.
"Kumuha ng supply." Mom said.
So I have no choice. I really need to go alone.
Binigyan na ako ng pera ni Mom. Hindi ba pwedeng bukas nalang? Baka bukas hindi na busy si Dad. I don't know what will happen later. Kinakabahan ako, makakita palang ng maraming tao.
Kinuha ko yung mask ko at isinuot. Nagpaalam na ko kay Mom na aalis na ako.
Sumakay ako sa bus na papunta ng bayan. Katulad ng kanina ay marami pa rin ang mga tao. Hindi na ako nakipagsisikan pa na sumakay, hinintay ko munang sumakay ang lahat ng tao bago ako sumakay.
Laking pasasalamat ko ng may upuan pa na walang katabi. Umupo ako doon at nakahinga ng maluwag.
"Excuse me miss, pwedeng makitabi?" ani ng matanda

BINABASA MO ANG
Bloodsucker
VampireArin Grimoire is a vampire. I could suck your sweet blood anytime. leave before it's too late. Please stay, away.