Scene 41

65 4 7
                                    

Possessive

"Did something good happen?" Napabaling ako kay Luis na inaayusan ng makeup artist. May photo shoot kami ngayon para sa bagong endorsement namin.

"Ha?" Maang maangaan ko. Alam kong kanina pa panay ng ngiti sa harap ng salamin. Tapos na kasi ako makeup-an.

"Did something happen na nakapagpasaya sayo ng ganyan?" Tanong niya. Inilingan ko lang siya.

"Dapat ba may rason para maging masaya? I'm just happy." Tawa at kibit balikat ko. Ayaw ko pang ibag sabi sa kahit kanino ang relasyon naman ni Max. As I said, I'm going to wait until matapos tong teleserye naming ni Luis.

"Okay, everyone standby!" Naka pwesto na kami. Nasa likod ko si Luis habang nasa harap naman ako. Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan niya ang baywang ko, ayun yun sa photographer.

"Luis come forward para makita yung pants. Eve sa gilid ka ni Luis at hawakan mo ang balikat niya." Ginawa namin ang positiong inutos ni Bj. Ilang take pa at nag palit ulit kami ng damit. This time naka dress ako at naka suit naman si Luis.

Nagulat ako ng paglabas namin ay may couch na sa gitna ng pagpipicturan namin.

"Change of concept sabi ni Bj. Sundin niyo nalang." Sabi ni Wella isa sa mga assistant.

"Okay. Biglang nag iba yung vision ko para sa shot na 'to. Luis." Hinila niya si Luis at pina upo sa isang sulok ng couch at nag lean sa arm set at pinatong ang isang paa at tinukod ito sa couch pa sideways, yung isa naman nanatili sa sahig. Nakabukaka si Luis at ngayon at hindi ko alam kung saan ako ilalagay. Sa likod niya?

"Eve!" Tawag ni Bj saakin. Pwe-pwesto na sana ako sa likod ng bigla niya akong sinalpak sa gitna ng mga hita ni Luis. Bahagyang gumlaw si Luis para maka upo ako ng maayos. Nagtilian halos lahat sa set maliban sakin. Si Bj naman ay tumatango tango lang na parang ang tama ng gianawa niya.

"Perfect!" Palapak niya sabay alis sa harapan namin. May mga nakikita akong kumukuha ng pictures. Shit.

"Gulat ako dun ah." Bulong ni Luis sa likod ko. Naasiwa ako sa tawa niya. Ang lapit. Kung hindi lang ang photoshoot na to ang naka salalay, hindi ko to gagawin. Pero dahil ang tandem namin ni Luis ay nakasalalay din dito, magtitiis nalang ako. I'll just need to explain to Max again. Konting lambing lang yun.

"Ano, Luis? Wala ka bang gagwin? Touch her!" Utos ni Bj na nagpangiwi saakin. Humalakhak si Luis sa likod ko at hinawakan ang baywang ko. May nagpatugtug naman sa kantang 'Hands to Myself'. Dinaan ko nalang sa buntong hininga ang inis. This is just work Eve. Max will understand.

Ilang click ang lumipas at naramdaman kong mas diniin ni Luis ang sarili niya sakin. Umamba akong lumayo pero mas lalo pa ata niyang diniin ang sarili niya.

"Luis..." I hissed. Pero tinawanan niya lang ako.

"What?" Tawa niya.

"Eve, can you put your hands around Luis' neck?" Halos malagmag ang panga ko sa sinabi ni Bj. What? No! Pero hindi ko sinabi. This is just work, Eve.

Nang ilang segundong hindi pa ako gumagalaw ay si Luis na mismo ang kumuha sa dalawang kamay ko at unti unting linagay sa batok niya. Huminga ako ng malalim at inalalang, trabaho lang ito.

"Okay, it's a rap everyone!" Dun lang ako nakahinga ng maayos. Papunta sa dressing room ay malaki ang ngiti ni Luis.

"Saya natin ah." Puna ko.

"Dapat ba may rason para maging masaya? I'm just happy." Napanguso ako sa pag kopya niya sa sinabi ko. Umiling nalang ako at pumasok na sa dressing room.

Behind The SceneWhere stories live. Discover now