Chapter 6 | Curse

30 1 0
                                    





"You fainted again, Garnet." Napuno ng tawanan ang silid nang nagising ako. Tinuturo pa ako ni Chadrick habang mangiyak-ngiyak siya sa kakatawa.

Of course! Sino ba ang hindi mahimatay sa di-kapanipaniwalang mundo na ito? Inirapan ko sila at nilibot ang paningin ko. Nandito kami ngayon sa isang makalumang silid. Kind of vintage but there is elegance and magical in this room. May mga lumilipad na mga maliliit na flies na umiilaw at sinasayaw nila ang mga bulaklak dito sa silid.

"They are flowerflies." Napatingin ako sa malalim na boses sa aking harapan. Napatunganga akong nakatingin sa kanya. Para siyang prinsipe. Sobrang gwapo! Naputol lamang iyon nang marinig ko ang tikhim ng katabi ko. Inirapan ko siya.

"Anak," tawag sa akin ni mama kaya napatingin ako sa kanya, "Siya nga pala si Master Launard. Ang schoolmaster ng Siarga Academy." Napatingin ulit ako sa kaharap ko.

Siya? Schoolmaster? Teka! Ang bata pa niya ah!

Ngumiti siya sa akin na tila natutuwa sa ibinigay kong reaksyon.

"Si Lloyd naman ay isang professor dito." Tinignan ko naman si Kuya Lloyd na nakatayo sa likuran ng schoolmaster. Ngumisi siya sa akin at yumuko ng konti, "at ako naman ang bagong kasapi ng faculty ng akademyang ito." Tumingin ulit ako kay mama.

"You're going to teach here?"

"Sa wakas nagsalita na rin!" Sinamaan ko ng tingin si Chadrick kaya tumahimik siya.

"Oo Garnet at sana walang dapat ang makakaalam na mag-ina kayo. Ililihim mo lang dapat ang tunay mong pagkatao. Huwag kang mag-alala nariyan naman sila Quinn para gabayan ka sa paaralang ito. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Vasquez?" Naguguluhan man ay napatango na lamang ako sa sinabi ng schoolmaster. Nilingon ko si mama at ngumiti siya sa akin. Ang saya niya.

"Hindi naman kita iiwan anak. Magiging busy lang si mama dahil mahirap turuan ang mga estudyante dito at isa pa first time kong magturo." Ngumiti nalang ako sa sinabi niya.

"Quinn maaari niyo na siyang ihatid sa kanyang silid." Tumango naman ang katabi ko at hinila ako patayo. Magalang na nagbigay paalam ang dalawa habang hinihila ako paalis ni Quinn ng schoolmaster's room. Nakangiting kumaway sa akin si Mama at Kuya Lloyd habang seryosong nakatingin sa amin ang gwapong schoolmaster.

"Grabe! Na miss ko ang Siarga!" Nagitla ako nang biglang sumigaw si Chadrick sa likuran namin, "Ops! Sorry."

Huminto kami sa paglalakad kaya nagtataka kong tinignan si Quinn na nakahawak pa rin sa aking kamay.

"Bakit?" Tanong ko. Sinundan ko naman kung saan siya nakatingin. May mga malalaking gusali ang nasa harapan namin. Eskwelahan pa ba ito? Parang siyudad na ito ah! Tinuro niya ang pinakamalaking gusali sa gitna.

"Iyan ang Class building. Diyan tayo papasok at makikinig sa mga leksyon na ituturo ng ating mga professor." Tumango ako sa sinabi niya. Okay, noted. Tahimik naman na nakikinig ang dalawang lalaki. Tinuro naman niya ang nasa kaliwang bahagi.

"Training building. Diyan tayo mag-eensayo gamit ang ating mga kapangyarihan at abilities lalong-lalo na kapag nalalapit na ang Monthly Examination. Sa likod ng building na 'yan ay ang Training Ground. Ang building naman na nasa ating kanan ay ang Potion Building. Para iyan sa mga witches at warlocks." Tumango nalang ako sa kanya.

The Lost SiargaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon